Home HOME BANNER STORY Padilla kay Bato sa ugong ng ICC arrest warrant: ‘Wag kang lalabas

Padilla kay Bato sa ugong ng ICC arrest warrant: ‘Wag kang lalabas

90
0

MANILA, Philippines – Inabisuhan ni Senador Robin Padilla nitong Sabado, Mayo 9 ang kapwa senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa na huwag lumabas.

Ang babala niya ay kasunod ng usap-usapan ng arrest warrant laban kay Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief na umano’y inilabas ng International Criminal Courtm (ICC).

Sa kabila nito, iginiit ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na hindi pa niya natatanggap ang arrest order.

“There have long been rumors like that, but until I actually see a warrant, I always remind my idol… ‘Don’t show yourself in public,’” sinabi ni Padilla sa panayam sa radyo.

Nang tanungin naman si Padilla kung may nalalaman siya sa naturang isyu, o kung nakakausap niya si Dela Rosa, sinabi nito na:

“That’s always my advice to him: ‘Don’t show yourself in public.’”

Matatandaan na pinangalanan ng ICC si Dela Rosa bilang isa sa co-perpetrators sa umano’y extra-judicial killings sa war on drugs. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here