Home METRO Kelot patay sa saksak sa Iloilo, barangay councilor tinitingnang suspek

Kelot patay sa saksak sa Iloilo, barangay councilor tinitingnang suspek

72
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos saksakin sa Barangay Santa Filomina sa Arevalo District, Iloilo City, at natukoy bilang suspek sa pagpatay ang isang barangay councilor.

Nakita sa CCTV footage ang biktima na nakasuot ng dilaw na shirt na nagkakaroon ng argumento habang nangongolekta ng tubig.

Ilang sandali pa ay makikita ang biktima na tumatakbo at may humahabol sa kanya.

Hindi naman nakita sa footage na ang biktima ay sinaksak na ng isang barangay councilor.

Isa pang lalaki na umano’y kasama ng suspek ang nakita rin na hawak ang biktima sa nangyaring insidente.

Ayon sa isang witness, nagkaroon ng matinding pagtatalo bago nangyari ang pananaksak.

Idineklarang dead on arrival ang biktima dahil sa tinamong saksak sa kili-kili at balikat.

Sinabi naman ng live-in partner ng biktima na matagal na nagtrabaho ang biktima bilang kolektor sa lending business na pagmamay-ari ng suspek.

Nag-resign umano ito dalawang taon na ang nakalilipas ngunit paulit-ulit na hinarass at nakatakda rin sanang magsampa ng reklamo ang biktima laban sa suspek.

Tinitingnan na ng mga awtoridad ang posibleng motibo na may kaugnayan sa lending business bagamat nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here