Home OPINION P5M PAYOLA VS PEOPLE POWER VS VP SARA

P5M PAYOLA VS PEOPLE POWER VS VP SARA

68
0

WALA pang impeachment sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte ngunit may mga nagpaplano ng mga hakbang laban sa kanya kung mananalo ito sa kaso.

Sinasabi ng mga kritiko ni VP Sara na maglulunsad umano sila ng mga katakot-takot na rally na istayl people power laban sa kanya hanggang sa mabura siya sa pulitika.

Ang iba naman, magsasampa ng mga kaso sa Office of the Ombudsman dahil hindi naman umano siya katulad ni Pangulong Bongbong Marcos na may immunity from suit.

Ang iba, posible umanong subukin uling isalang ang Charter change o Cha-cha para mawala ang posisyong Bise Presidente na papalit sa Pangulo kung may mangyaring masama nakaupong Pangulo.

Sa ibang salita, gusto nilang mawala sa pwesto si VP Sara sa anomang paraan mula ngayon at kahit pa sa darating na halalang presidensyal sa 2028, lalo’t wala silang nakikitang pantapat sa kanya sa halalan.

Kaugnay nito, paano naman ang pinaputok mismo ni Manang Imee Marcos na may payolang nasa P5 milyon sa bawat kongresman na boboto sa impeachment sa Kamara laban kay VP Sara?

Kung ibinabato kay VP Sara ang korapsyon sa confidential fund, paano naman ang mahigit P1 trilyong flood control projects na umano’y kinasasangkutan ng maraming kongresman na boboto pabor sa impeachment?

Paano rin harapin ng mga magpi-people power, mag-Cha-cha at mga bobotong kongresman sa impeachment ang hanggang ngayo’y 33 milyong bumoto kay VP Sara noong 2022 election at nananatiling kumakampi sa kanya kahit saang lugar sa Pilipinas at abroad ngayon?

Ang tiyak na magaganap, magkandahati-hati ang mga mamamayan.

Pero hindi dahil sa sarili nilang paniniwala at pagkilos kundi sa hatak-hatak sila ng mga pampulitikang interes ng mga naghaharing-uri at grupo na may mga pansariling interes at hindi talaga para sa buong bayan.

Saan patutungo ang Pinas sa ganitong kalagayan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here