MANILA, Philippines – Sinuri ng Komite sa Kalusugan at Demograpiya na pinamumunuan ni Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros nitong Lunes, Mayo 11, 2026, ang Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health (DOH).
Sa pagdinig, ipinabatid ng senadora ang mga alalahanin hinggil sa malaking agwat sa pagitan ng opisyal na ulat ng mga proyekto at aktwal na kondisyon ng mga pasilidad sa lupa.








