MANILA, Philippines – Tinalakay ng Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan ni Senator Erwin Tulfo nitong Mayo 11, 2026 ang status ng Visiting Forces Agreements (SOVFAs) ng Pilipinas sa Canada at New Zealand.
Sinuri ng mga senador ang mga bagong ratipikadong kasunduan upang matiyak ang kapwa-pakinabang at pananagutan, at kung tunay na makikinabang ang Pilipinas sa naturang mga partnership.







