Nagsagawa ng protesta noong Lunes ng umaga, Mayo 11, 2026, ang mga miyembro ng Akbayan Party sa harap ng House of Representatives sa Quezon City kasabay ng inaasahang botohan ng Kongreso sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ang kilos-protesta ay isinabay sa nakatakdang botohan sa Kamara kung i-impeach si Duterte kaugnay ng mga alegasyon ng hindi idineklarang yaman, hinihinalang multi-bilyong pisong transaksyon sa bangko, kuwestiyonableng paggamit ng confidential funds, at iba pang mabibigat na paratang. Danny Querubin