Home HOME BANNER STORY Comelec pinagkokomento ng SC sa online voting ng OFWs

Comelec pinagkokomento ng SC sa online voting ng OFWs

63
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Commission on Elections) na magsumite ng komento kaugnay ng petisyon na kumukwestyon sa implementasyon ng online voting para sa overseas Filipino voters.

Sa isang motion to intervene na sumusuporta sa petisyon ng PDP-Laban at isinapubliko ni Atty. Israelito Torreon, kinuwestyon ang transparency ng internet voting, kabilang ang kawalan ng voter-verifiable paper audit trail o resibo ng boto. Iginiit din na walang sapat na legal na batayan para sa online voting at automated vote counting.

Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, matagal nang inihahanda ng komisyon ang posibleng legal na hamon sa internet voting, katuwang ang Office of the Solicitor General, at handa itong depensahan sa Korte Suprema.

Giit niya, may kapangyarihan ang Comelec sa ilalim ng batas na gumamit ng iba pang paraan ng pagboto bukod sa tradisyunal na personal voting.

Sinabi rin niya na naging matagumpay ang internet voting noong 2025 elections, kung saan nagtugma ang resulta ng automated system at manual audit.

Ayon pa sa Comelec, malaking tulong ang internet voting para sa mga overseas Filipino workers na malalayo sa embahada o konsulada, at mas mura ito kumpara sa pagpapadala ng mga makina at balota sa ibang bansa.

Tiniyak ni Garcia na tuloy ang paghahanda para sa internet voting habang hinihintay ang desisyon ng Korte Suprema.

Kasama rin sa iniutos na magsumite ng komento si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at binigyan sila ng 10 araw mula sa pagtanggap ng abiso para magsumite ng kanilang paliwanag. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here