Manila, Philippines – Kaabang-abang ang 10th World Class Excellence Japan Awards night ngayong June 18, 2026 dahil ayon sa founding president, ang Princess of Songs na si Emma Cordero, ay malaki ang chance na dadalo si First Lady Liza Araneta Marcos sa The Heritage Hotel bilang keynote speaker.
“Sinabi ni PCSO board member Imelda Papin na kakausapin niya si FL Liza Marcos para um-attend sa 10th WCEJA.
“Of course, sobra akong excited at ngayon pa lang, e, pinaghahandaan na ng committee ang presence ni First Lady.
“Last year, in attendance si Senator Bong Go at marami pa and this year, siguradong marami ang mae-excite kapag dumating sa awards night si FL.
“We are all excited sa laman ng kanyang speech,” sabi pa ni Emcor, kung saan kakantahin din niya ang kanyang single na Ai Wo Agetai or I Want to Give Love.
FYI ay malapit sa panilya Marcos ang Jukebox Queen at PCSO board member na si Imelda.
May special performance din si Papin kung saan makakasama niya ang kanyang mga kapatid at ang kanyang anak na si Mafe Papin.
Uulan din ng mga celebrities sa gabi ng WCEJA dahil may paparangalan din na Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress at Best Child Performer.
Abangan natin ang kaganapan sa 10th WCEJA sa June 18. JP Ignacio