Manila, Philippines – Taon-taon, tuwing buwan ng May ay umuuwi sa Pinas ang mahusay na international entertainer na si Nick Vera Perez para sa promo ng kanyang bagong album.
At dahil May ngayon ay nandito na ulit sa bansa si Sir Nick para sa kanyang Duo Album Philippine Tours 2026.
Ito ay bahagi nito ng promo ng kanyang dalawang album na Unafraid (5th) at dance album na Dancing in the Ocean (6th), kung saan ay ito rin ang carrier single.
Napakinggan na namin ang Dancing In The Ocean and in fairness, ang ganda ng song, huh! Danceable talaga ito.
Gaya namin, mapapaindak ka ‘pag napakinggan mo ito.
Napanood na rin namin ang music video nito.
At dahil Dancing In The Ocean ang title, ang setting ng video ay sa ocean.
At ang mga kasama ni Sir Nick sa video ay puro foreigners.
Dahil sa nangyayaring krisis ngayon sa ating bansa ay muntik na palang hindi matuloy si Sir Nick sa kanyang pag-uwi.
Kwento niya sa naganap na mediacon para sa kanyang album, “Nandun ‘yung fear na baka hindi matuloy. Baka matigil ‘yung flight lalo’t papunta pa naman kami ng Davao at Zamboanga.
“Everything talaga, nagpapasalamat kami sa Diyos. It’s His will.
“Palagi kong sinasabi sa team, ‘pag smooth sailing, ibig sabihin para sa’yo.”
Sa tanong kung sino sa mga sikat na singers ang gustong maka-duet ni Sir Nick, siyempre, hindi mawawala sa sagot niya ang idol niya na si Martin Nievera.
Plus,sina Regine Velasquez-Alcasid, Lani Misalucha at Jona.
Aware si Sir Nick na magreretiro na sa pagkanta si Regine kaya naman ikinalulungkot niya ang balitang ito.
“I’m sad kasi magre-retire na siya sa big stage.”
Bilang bahagi ng kanyang promo tour para sa kanyang dalawang albums ay magkakaroon siya ng mall tour, guestings sa mga TV, radio at online showbiz-oriented talk shows.
Kabilang na riyan ang Marisol Academy with my co-hosts Mildred Bacud at Rodel Fernardo, at Showbiz Pulis with host Roldan Castro.
Nakapag-guest na si Sir Nick sa I-Konek noong May 3. At mapapanood din siya sa DWAN The Showbiz Authority with hosts Fernan de Guzman, Joey Austria and Boy Romero, Letters and Music at marami pang iba.
Kabilang sa mga highlight ng tour ang kanyang mall shows sa Xentro Mall Antipolo sa May 16 at Xentro Mall Montalban sa May 24.
Go na kayo sa nasabing dates.
Bukod sa mag-i-enjoy kayo sa performance ni Sir Nick, magakaroon pa kayo ng chance na manalo sa mga inihanda niyang games at pa-raffle. Plus, may mga giveaways pa.
Makakasama ni Sir Nick sa kanyang tour ang mga magagaling din singers na sina Evelyn O. Francia at Hannah Shayne, habang si Miz D Antonio naman ang magsisilbing host sa iba’t ibang event. Rommel Placente