Home HOME BANNER STORY Dela Rosa ‘di aalis sa Senado, gagawin lahat para mapigilan pag-aresto ng...

Dela Rosa ‘di aalis sa Senado, gagawin lahat para mapigilan pag-aresto ng ICC

72
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Ronaldo “Bato” dela Rosa na mananatili siya sa Senado habang ginagawa ang lahat ng legal na paraan para harangin ang tangkang pag-aresto ng International Criminal Court.

“I’m staying here; I’m not leaving,” sinabi ni Dela Rosa sa tanong ng mga mamamahayag tungkol sa kanyang plano.

“Business as usual—attending sessions while we wait for the Supreme Court’s decision.”

Ang tinutukoy ng senador ay ang temporary restraining order na hinihiling ng mga abogado niya sa Korte Suprema para pahintuin ang ICC arrest.

“We will exhaust all available means, legal means. We need to do everything we can to prevent them from taking us to The Hague,” ani Dela Rosa.

Idinagdag pa ni Dela Rosa na magtitiwala na lamang umano siya sa Diyos.

“I’ll leave it up to the Lord because we know that our our is gracious and merciful. He will not turn His face away from us if you turn unto Him,” ani Dela Rosa.

Matatandaan na biglang lumitaw sa Senado si Dela Rosa matapos ang paglutang ng kanyang posibleng pag-aresto noong Nobyembre.

Siya ang isa sa mga tumulong para maitalaga si Senador Alan Peter Cayetano bilang Senate President na pumalit kay dating Senate leader Vicente “Tito” Sotto III.

Ani Dela Rosa, nakitulog siya sa opisina ni Senador Jinggoy Estrada na mas komportable at mayroong mga pagkain kaysa sa kanyang sariling opisina.

“I was able to sleep a little, at least.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here