MANILA, Philippines – BILANG paghahanda sa napipintong pulong tungkol sa UPLIFT (Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport) kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinangunahan ng Office of the Executive Secretary, kasama ang ilang miyembro ng Gabinete, ang pagbuo ng mas mabilis at organisadong tugon ng pamahalaan sa pambansang emergency sa enerhiya.
Tinutukan sa talakayan ang pagpapalawak ng Fuel Subsidy Program upang matiyak ang sapat na serbisyo ng pampasaherong transportasyon.







