Home NATIONWIDE Mga nasawi sa Taboso clash, ‘wag tawaging ‘corned beef’ – AFP

Mga nasawi sa Taboso clash, ‘wag tawaging ‘corned beef’ – AFP

54
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paggamit ng terminong “corned beef” para ilarawan ang mga nasawi sa engkuwentro sa Toboso, Negros Occidental, at tinawag itong “disrespectful” at “dehumanizing.”

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hindi kinukunsinti ng militar ang anumang pananalitang nakabababa sa dignidad ng sinuman, anuman ang kanilang kinabibilangan.

“The AFP does not condone disrespectful and dehumanizing language towards any individual, regardless of affiliation. We remind the public that every loss of life is a serious matter, and the discussion surrounding armed conflict should remain respectful, responsible, and grounded on facts,” pahayag niya.

“Sa dulo po nito, sa huli, ang paraan po ng ating pananalita ay sumasalamin sa uri ng lipunan na nais nating itaguyod,” dagdag niya.

Ang pahayag ay kasunod ng mga post sa social media na tumukoy sa mga nasawi bilang “corned beef,” na muling lumutang matapos ilabas ang paunang findings ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun hinggil sa pagkamatay ng 19 na indibidwal na tinawag ngayong “Toboso 19.”

Nauna nang kinuwestyon ni Fortun ang paghawak sa mga labi, kabilang ang posibleng mishandling at ilang sugat ng tama ng bala gaya ng pagbaril umano mula sa likuran at pagkamatay dahil sa pagdurugo.

Giit ni Padilla, preliminary pa lamang ang forensic findings.

“At this stage, preliminary pa lang po yun. So, meaning, wala pa tayong final na findings,” aniya, at nagbabala laban sa maagang konklusyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon pa sa kanya, ang pinangyarihan ng insidente ay aktibong encounter site at hindi ordinaryong crime scene, ngunit pinayagan ang third-party investigators sa lugar.

“We remain committed to transparency, accountability, and adherence to international humanitarian law,” dagdag niya.

Ayon naman kay Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, itinanggi niya ang alegasyon ng mishandling sa mga labi, at sinabi na ang Philippine National Police Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang humawak sa proseso.

Giit niya, lehitimo ang operasyon batay sa pahayag ng mga lokal na opisyal at residente ng Toboso na sangkot umano ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Tiniyak din ng AFP ang pakikipagtulungan nito sa imbestigasyon ng Commission on Human Rights. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here