Home METRO 3 tulak timbog sa P34-M tobats sa Zambo mall

3 tulak timbog sa P34-M tobats sa Zambo mall

40
0

MANILA, Philippines – Aabot sa P34 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Zamboanga City noong Martes.

Tatlong hinihinalang tulak ng droga mula sa Tawi-Tawi at Sulu ang naaresto matapos makuha mula sa kanila ang limang kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa limang plastic bag at isang pickup truck.

Nakatakas naman umano ang itinuturong lider ng grupo sa kasagsagan ng operasyon.

Isinailalim na sa pagsusuri ng crime laboratory ang nakumpiskang kontrabando habang isinailalim naman sa inquest proceedings ang mga suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here