Home NATIONWIDE Ortega sa kampo ni VP Sara: ‘Baka naka-mute ang TV niyo

Ortega sa kampo ni VP Sara: ‘Baka naka-mute ang TV niyo

57
0

MANILA, Philippines – Binatikos ni House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega ang pahayag ng legal team ni Vice President Sara Duterte na “walang smoking gun” o matibay na ebidensyang nag-uugnay sa kanya sa mga reklamong nakapaloob sa Articles of Impeachment na ipinadala na ng Kamara sa Senado.

“What do they mean there is no smoking gun? Hindi ba nila pinanood ang mga pagdinig? Baka naka-mute ang TV nila noong hearings. O baka fast forward lang ang pinanood nila,” ani Ortega.

Binigyang-diin ni Ortega na ang impeachment complaint ay hindi nabuo base sa sabi-sabi o pulitika, kundi sa mga sinumpaang salaysay, opisyal na rekord, dokumentong pinansyal, findings ng Commission on Audit (COA), mga sertipikasyon, at mismong mga naging pahayag ng Vice Presidente.

“You do not get a 257-25 vote in the House on pure speculation. Hindi ito tsismis, memes, o chain message sa Viber. Constitutional process ito backed by evidence,” paliwanag nito..

Aniya, kinukondisyon ng kampo ni Duterte ang publiko na balewalain ang malawak na ebidensyang tinalakay sa maraming pagdinig.

Iginiit ni Ortega na ang impeachment ay hindi usapin ng political persecution kundi ng constitutional accountability.

“The Senate impeachment court is precisely the proper forum to test the evidence. If they truly believe the case is weak, then they should welcome the trial instead of repeatedly trying to discredit the process before it even begins. If they truly believe there is no case, then they should stop acting allergic to a Senate trial,” dagdag ng mambabatas.

Apat na pangunahing reklamo ang nakapaloob sa impeachment, una ay ang  maling paggamit ng confidential funds, unexplained wealth, bribery at grave threats. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here