Home METRO P2M tobats nasabat sa 3 HVI sa Cavite

P2M tobats nasabat sa 3 HVI sa Cavite

68
0

CAVITE, Philippines – Nasa mahigit sa 2 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa tatlong hinihinalang bigtime  tulak at nasa listahan ng High Value Individual (HVI) ang naaresto sa isinagawang buy bust operation  sa Dasmarinas City, Cavite Martes ng hapon.

Ayon sa report ng pulisya, hawak na ng Dasmarinas Component City Police Station ang mga suspek na sina alyas Oma, alyas Rego at alyas Jeje, pawang nasa listahan ng HVI.

Sa ulat, bandang alas-3:20 ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmarinas CPS sa Brgy Salitran 2, ng nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga ito ang tatlong pirasong transparent plastic bag na naglalaman ng humigit kumulang 300 gramo ng hinihinalang shabu na may Standarad Drug Price na P2,040,000.00, buy bust money, isang brown leather bag, isang Android phone at isang kulay pula na Toyota Vios na may plakang DNW 9676.

Nahaharap sa kasong paglabag na RA9165 O comprehensive against illegal drugs ang mga suspek na kasalukuyng nakaditine sa Dasmarinas Police Station. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here