MANILA, Philippines – Suportado ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang modernisasyon ng sektor ng maritime sa Jordan, Guimaras, sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Local Government Unit (LGU) ng Jordan at Arkitek Information Technology Services, Inc.
Nangako ang MARINA na paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders upang mapahusay ang industriya ng maritime matapos lumagda bilang saksi si Regional Director Engr. Bernardo A. Pollo.
Ang proyektong ito, na bunga ng halos sampung taong pagsisikap ng LGU Jordan, Arkitek, at mga shipping operators, ay layong magbigay ng episyente, moderno, at ligtas na serbisyo para sa mga biyahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden