MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko laban sa mga indibiduwal na nagpapanggap bilang mga opisyal na ahensiya matapos lumutang ang balita na may isang “Usec. Janet Ong” ang di umano’y nangangasiwa ng transaksyon na naka-ugnay sa departamento.
Sa isang advisory na naka-post sa social media, binigyang diin ng DBM na walang opisyal o Usec. Janet Ong sa DBM, at ang anumang kumakatawan gamit ang nasabing pangalan ay mapanlinlang at hindi awtorisado.
“Recently, the DBM received reports of an individual falsely identifying themselves as a DBM official using the name ‘Usec. Janet Ong.’ The public is hereby informed that no such official exists within the agency,” ayon sa DBM.
Winika pa ng DBM na ang anumang transaksyon, komunikasyon o kasunduan na sinasabing ine-endorso ng pekeng opisyal ay walang bitbit na legal na epekto at dapat na tratuhin nang may matinding pag-iingat.
Bukod dito, nagbabala din ang DBM sa publiko laban sa mga scammers na sinasamantala ang paggamit ng Usec. Janet Ong para maka-impluwensiya ng procurement transactions, financial dealings, o iba pang government-related activities.
“The DBM does not authorize or tolerate any form of scam or fraudulent activity,” ang tinuran ng DBM.
Samantala, hinikayat ng DBM ang publiko na kaagad na isumbong o ireport ang kahina-hinalang aktibidad sa Community Relations Office nito sa pamamagitan ng hotline nito na (02) 8657-3300 local 2524 o via email sa [email protected]. (KRIS JOSE)