Home HOME BANNER STORY Sen. Bato: PMA hymn, panawagan vs foreign interference sa gitna ng ICC...

Sen. Bato: PMA hymn, panawagan vs foreign interference sa gitna ng ICC warrant

57
0
Kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Sa gitna ng posibleng pag-aresto sa ilalim ng warrant mula sa International Criminal Court kaugnay ng war on drugs ng nakaraang administrasyon, muling iginiit ni Ronald dela Rosa ang paninindigan laban sa umano’y pakikialam ng dayuhan sa Pilipinas.

Ayon sa kanya, hindi isyu ang pulitika kundi ang soberanya ng bansa.

“The issue there is not about political. The issue there is maintaining the sovereignty of the Philippines so that foreigners will not interfere,” aniya.

Nauna rito, dalawang beses niyang inawit ang PMA Hymn sa public appearances, na nagdulot ng tanong kung may mensahe ito sa mga security forces.

Ipinunto niya ang linyang: “When bells for us are rung, and our last taps are sung, let generation see our country free.”

“Yan yung parang hinihiwa yung puso namin pag kinakanta namin yung linya na yan,” dagdag niya.

Nilinaw din niya na hindi siya nananawagan ng karahasan o kataksilan sa hanay ng militar at pulisya, kundi “peaceful support” laban sa foreign interference.

“Kung gusto nila akong bitayin… dito sa ating Philippine courts, huwag doon sa mga dayuhan,” sabi pa niya.

Giit din niya, hindi na umano miyembro ng ICC ang Pilipinas kaya wala itong obligasyong sumunod sa mga arrest warrant nito, at iginiit niyang politically motivated ang kaso laban sa kanya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here