Home NATIONWIDE 3,666 PDL, napalaya sa unang 5 buwan ng 2026 – BuCor

3,666 PDL, napalaya sa unang 5 buwan ng 2026 – BuCor

55
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 3,666 ang napalayang Persons Deprived of Liberty (PDL) sa unang limang buwan ng 2026, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon sa BuCor, may kabuuang 31,619 PDL na napalaya sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Mula Marso 29 hanggang Mayo 12, 2026, sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na 1,180 PDL ang pinalaya bilang bahagi ng layunin ng ahensya na makapagpalaya ng 10,000 PDL kada taon.

Kaugnay nito, nakipagpulong na rin si Catapang kay Atty. Sergio Calizo Jr., Chairman ng Board of Pardons and Parole, upang pasimplehin at gawing moderno ang proseso ng pagrerepaso sa mga kaso ng PDL na nakapagsilbi na ng minimum na sentensya.

Plano rin ng BuCor na maglagay ng server sa Board of Pardons and Parole para sa mas mabilis na access sa carpeta o mga talaan ng kaso ng mga bilanggo, na mahalaga sa pagtukoy kung kwalipikado na silang mapalaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here