BULACAN, Philippines – Arestado ang tatlong indibiduwal matapos umanong mahulihan ng P3.8 milyong halaga ng unregistered pet food products sa bayan ng Marilao noong Mayo 8.
Sa ulat, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng CIDG National Capital Region Regional Field Unit, CIDG Bulacan Field Unit at local police units through the service of a search warrant para sa paglabag sa Republic Act No. 12308 or the Animal Industry Developement and Competitiveness Act sa isang warehouse sa Marilao.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga naarestong indibiduwal na sina alyas “Liza”, warehouse manager and supervisor, alyas “ED” at alyas “Arni” kapwa mga empleyado at mga nasa hustong gulang.
Nakumpiska sa operasyon ang assorted pet foods, treats, canned products at iba pang pet-related items na umanoy ibinibenta ng walang necessary registration and certification mula sa Bureau of Animal Industry.
Ang mga naaresto ay nasa kustodiya ng mga awtoridad para sa proper legal proceedings habang ang mga nakumpiska ay itinurn-over para sa documentation at verification.
Pinuri ni Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr, ang operating units sa successful operation.
“Patuloy nating paiigtingin ang ating koordinasyon sa concerned government agencies upang matiyak na ang mga produktong pumapasok sa merkado ay ligtas at sumusunod sa batas.Hindi lamang ito usapin ng enforcement, kundi proteksyon para sa publiko at sa ating industriya,” anang heneral. (Dick Mirasol III)