Home HOME BANNER STORY NBI chief Matibag itinangging tauhan nila nagpaputok ng baril sa Senado

NBI chief Matibag itinangging tauhan nila nagpaputok ng baril sa Senado

80
0

MANILA, Philippines – Tahasang itinanggi ni National Bureau of Investigation chief Melvin Matibag na tauhan nila ang nagpaputok ng baril sa nangyaring kaguluhan sa Senado nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa interbyu sa isang ulat, sinabi ni Matibag na hindi nila tauhan ang nasa likod ng kaguluhan sa Senado at wala silang kaalam-alam sa nangyari.

Ani Matibag na tinawagan umano siya ni Senador Loren Legarda at pinapa-pull out ang mga tauhan ng NBI, pero iginiit niya na wala silang tauhan doon at nasa workshop at planning event umano sila kasama ang mga opisyal ng NBI.

“E ‘di ipahuli niyo, paimbestigahan niya, dahil sigurado ako na wala kaming tauhan diyan sa Senado,” ani Matibag nang sagutin niya ang tawag ni Sen. Legarda nang atasan siya nito na pumunta sa Senado at paatrasin ang kanyang mga tauhan.

Giit pa niya na wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa Senado at nakamonitor lang umano siya mga FB live.

Aniya pa na hindi plano ng NBI na pumunta sa Senado dahil may instruction na umano sa kanila na huwag nang pumunta sa Senado para hindi na mapagbalingan.

Giit pa niya na hindi umano makatarungan na sila ay pagbintangan na naging rason ng nasabing kaguluhan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here