MANILA, Philippines — Pansamantalang isinara ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Huwebes ang pangunahing opisina nito sa Pasay City at nagpatupad ng work-from-home arrangement matapos ang insidente ng pamamaril malapit sa Senate complex.
“In view of the ongoing security incident near the Senate area in Pasay City, GSIS Pasay City has been placed under a work-from-home arrangement today,” ayon sa pahayag ng state pension fund.
Dagdag pa ng GSIS, “The GSIS Pasay City building is closed, and no physical transaction will be accommodated today.”
Matatagpuan sa katabing gusali ng GSIS main office sa Pasay City ang Senate complex na pag-aari at inuupahan ng Senado mula sa ahensya.
Ayon sa GSIS, ginawa ang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado, miyembro, pensioners, at bisita. Hinikayat din nito ang publiko na gamitin ang online services, partikular ang GSIS TOUCH app, para sa kanilang mga transaksyon.
Pinayuhan din ang mga kailangang mag-ayos ng over-the-counter transactions na dumiretso sa GSIS Quezon City Branch sa Elliptical Road, Diliman.
Isinagawa ang hakbang sa gitna ng tumitinding tensyon sa seguridad sa paligid ng Senado kasunod ng napaulat na insidente ng pamamaril at mga kaganapang may kaugnayan sa umano’y International Criminal Court warrant laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, na kasalukuyang nasa kustodiya ng Senado, at sa inaasahang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. RNT