Home NATIONWIDE Makatotohanan, walang kinikilingang imbestigasyon ng Senate incident, hangad ni PBBM

Makatotohanan, walang kinikilingang imbestigasyon ng Senate incident, hangad ni PBBM

61
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na tiyakin na makatotohanan at walang kinikilingan ang imbestigasyon kaugnay sa di umano’y shootout sa Senado.

Ibinigay ng Pangulo ang direktiba niyang ito sa pulong kasama sina NBI Director Melvin Matibag at PNP Chief Jose Melencio Nartatez, Huwebes ng umaga, May 14, kasunod ng insidente sa Senado, Miyerkules ng gabi.

“Opo, meron po kaming pagpupulong. Nagkaroon po ng pag-uulat sa nangyari po kahapon,” ang sinabi ni Matibag sa press briefing sa Malakanyang.

Sa katunayan, ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanila ay “Siguraduhin na ang imbestigasyon ay makatotohanan at parehas at lumabas kung sino talaga ang mga may pagkukulang at kung ano talaga ang mga may pananagutan at siguraduhing tawagin at panagutin ang mga taong may dapat pananagutan sa pangyayari pong ito.”

Sa kabilang dako, inulit naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, na walang government entity ang nag-utos na arestuhin si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na ngayon ay wanted ng International Criminal Court (ICC) para sa crimes against humanity.

Idinagdag pa ni Castro na walang assault o pag-atake, salungat sa sinabi ng ilang senador na sila’y inatake.

“Gusto nating linawin, una, walang assault na ginawa ang NBI agents sa Senado; at pangalawa, walang operasyon ang NBI o PNP na arestuhin si Senator Bato,” ang winika pa rin ni Castro.

Samantala, sinabi ni Castro na humingi ng tulong si Government Service Insurance System (GSIS) General Manager Wick Veloso sa NBI na i-secure ang tulay na nagkokonekta sa GSIS at Senate offices.

“It was the reason NBI agents were sent to the GSIS premises at around 6 p.m.,” ani Castro.

Tiniyak din ni Castro na walang mangyayaring cover-up sa imbestigasyon.

“Tandaan po natin, ang bagong Pilipino ay para sa katotohanan at hindi para sa pagco-cover up,” anito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here