Home NATIONWIDE SG tatalima sa utos ng SC na magkomento sa petisyon ni Sen....

SG tatalima sa utos ng SC na magkomento sa petisyon ni Sen. Bato

58
0

MANILA, Philippines – Tatalima ang Solicitor General na tumatayong abogado ng gobyerno sa utos ng Korte Suprema  na magbigay ng komento sa petisyon na inihain ni Senator Ronald ‘Bato Dela Rosa.

Sa manifestation at mosyon ng senador sa kanyang petition, humiling ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Solicitor General, sinabi nitong magsusumite ito, sa ngalan ng lahat ng respondents ng kaukulang komento sa “Urgent Manifestation with Omnibus Motion” at “Extremely Urgent Supplemental Manifestation with Motion” na inihain ni dela Rosa.

Kahapon, Mayo 13 naglabas ng resolusyon ang Korte Suprema at inatasan ang mga responders na magsumite ng kanilang komento sa loob ng 72 oras mula sa pagtanggap at mailathala sa website ng SC.

Ayon sa OSG, natanggap nito ang electronic notice na nagsasaad na na-upload ang resolusyon kahapon, alas-6:44 ng gabi.

Sinabi ng tanggapan na ihahain nito ang kinakailangang komento bago sumapit ang alas-6:44 ng gabi ng May 16, 2026 bilang pagsunod sa direktiba ng hukuman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here