Home HOME BANNER STORY Pagpapalawig ng termino ni PBBM gamit Cha-Cha, itinanggi ng Malakanyang

Pagpapalawig ng termino ni PBBM gamit Cha-Cha, itinanggi ng Malakanyang

56
0

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Malacañang nitong Huwebes ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na may umano’y plano para palawigin ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at tinawag itong “‘baseless, at unsubstantiated’.”

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, “mas nakakahiya” umano na magkomento pa sa mga pahayag ng Bise Presidente na aniya ay walang batayan.

“Mas nakakahiya sa ngayon ang magkomento pa sa mga walang basehan at walang sustansyang pahayag ni VP Sara Duterte,” pahayag ni Castro.

Nauna nang sinabi ni Duterte na ang mga umiiral na isyung pampulitika, kabilang ang impeachment laban sa kanya at umano’y pagpapatupad ng International Criminal Court laban sa kanyang mga kaalyado, ay bahagi ng plano para pahinain ang oposisyon at pahabain ang pananatili ni Marcos sa kapangyarihan.

Ayon pa sa kanya, indikasyon din umano ng planong Charter change ang mga naunang pahayag ng Pangulo tungkol sa constitutional amendments.

Mariing itinanggi ni Castro ang mga paratang at tinawag itong maling impormasyon at disinformation, at iginiit ang pangangailangan ng mga lingkod-bayan na tunay na naglilingkod sa publiko sa halip na nagpapakalat ng intriga at “fake news.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here