Home METRO Suporta sa impeachment ni VP Sara, malakas kahit sa Mindanao, Visayas –...

Suporta sa impeachment ni VP Sara, malakas kahit sa Mindanao, Visayas – Ridon

68
0

MANILA, Philippines – Ayon kay House prosecutor at Terry Ridon, nananatiling malakas ang suporta sa impeachment ni Vice President Sara Duterte kahit sa Mindanao at Visayas na itinuturing na balwarte ng mga Duterte.

Sinabi ni Ridon na ang boto sa Kamara ay nagpapakita na ang impeachment ay sumuporta mula sa iba’t ibang rehiyon at political groups.

“The 257 represents 80 percent of the entire House. So the vote to impeach the Vice President was overwhelming,” aniya.

Batay sa opisyal na tala ng House of Representatives, bumoto ang 257 pabor, 25 kontra, at 9 naman ang nag-abstain sa Articles of Impeachment.

Dagdag ni Ridon, 43 sa 50 kongresista mula Visayas ang bumoto pabor sa impeachment, habang 41 sa 61 mula Mindanao ay sumuporta rin dito. Sa Luzon naman, 125 sa 142 lawmakers ang pabor.

Ayon pa sa kanya, pinapakita nito na hindi lang umano ito isyu ng “Imperial Manila” kundi may malawak na suporta mula sa iba’t ibang rehiyon at political bloc.

Inimpeach si Duterte kaugnay ng umano’y maling paggamit ng ₱612.5 milyon na confidential funds, unexplained wealth, bribery, at pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Itinanggi ni Duterte ang mga paratang at sinabing ito ay may halong politika at walang basehan.

Ayon kay Ridon, ang malawak na suporta sa impeachment ay nagpapakita na may sapat na batayan upang litisin si Duterte.

“The entire 11-person House prosecution panel will go to the Senate at 3 p.m. on May 18 to witness the opening of the Senate impeachment court,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here