MANILA, Philippines – Kumpiynsa si Justice Secretary Fredderick Vida na mananatili siya bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Sa kabila ito ng mga ugong-ugong na mapapalitan siya sa kanyang puwesto.
Sa isang press briefing, sinabi ni Vida na tingin niya ay espekulaayon lang ito dahil marami pa siyang natatanggap na utos kaya tuloy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho.
“Maraming utos sa inyong lingkod, kaya parang sa tingin ko, tuloy tuloy ho. Any further statement is a speculation on my part,” ani Vida.
Aniya, hindi niya alam kung saan at kanino nanggagaling ang naturang balita.
“We serve for the Filipino people. We serve at the pleasure of the President,” dagdag pa niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden