Home NATIONWIDE Chinese research vessel namataan sa paligid ng Pag-asa Island – PCG

Chinese research vessel namataan sa paligid ng Pag-asa Island – PCG

58
0

MANILA, Philippines – Sinubaybayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga hindi awtorisadong marine scientific research (MSR) activities ng isang Chinese research vessel sa paligid ng Cay-2 at Cay-3 malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea nitong katapusan ng linggo.

Ayon sa PCG na monitor  noong Mayo 16 ang Chinese research vessel na Xiang Yang Hong 33, na may kagamitang sumusuporta sa mga submersible, nagmamapa ng seafloor, kumakalap ng datos mula sa malalim na bahagi ng karagatan, at nagsasagawa ng malawakang pag-aaral sa marine ecology.

Umalis ang Xiang Yang Hong 33 sa Guangzhou, China noong Abril 15, bago tumawid sa West Philippine Sea tatlong araw ang lumipas, noong Abril 18, dagdag ng ahensya.

Mula nang pumasok ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, “patuloy at sistematikong nagsasagawa ng ilegal na MSR activities ang Chinese research vessel sa iba’t ibang bahagi ng karagatan ng Pilipinas.”

Bilang tugon, nagsagawa ng maritime domain awareness (MDA) flight ang PCG Islander 4177 aircraft sa Kalayaan Island Group nitong Linggo. Nagsagawa rin ang PCG ng ilang beses na radio challenge sa mga Chinese vessel.

Idinagdag nito na ang mga MSR ay lumabag sa soberanya ng bansa at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ayon sa PCG, walang pahintulot na ibinigay sa China para sa mga ganitong aktibidad, dahil ayon sa internasyonal na batas, ang anumang dayuhang bansa nais magsagawa ng MSR activities sa loob ng territorial sea ng ibang bansa ay kailangang kumuha muna ng paunang pahintulot mula sa coastal state.

Matatagpuan ang Pag-asa Island 277 milya ang layo mula sa mainland Palawan at bahagi ito ng Kalayaan Island Group sa loob ng disputed na West Philippine Sea. Sumasakop ito sa lawak na 32.7 ektarya at ito ang pinakamalaki sa mga Kalayaan Islands. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here