Home METRO Nanay utas, 2 anak sugatan sa bumulusok na malaking bato sa Rizal

Nanay utas, 2 anak sugatan sa bumulusok na malaking bato sa Rizal

47
0

MANILA, Philippines – Isang 37-anyos na ina ang nasawi habang sugatan ang dalawa niyang anak matapos bumagsak ang isang malaking bato sa kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal nitong madaling araw ng Linggo, ayon sa pulisya.

Batay sa Rizal Police Provincial Office, nangyari ang insidente bandang 5:30 a.m. sa Sitio Macopoy, Barangay Mascap.

Ayon sa isang residente, nakarinig sila ng malakas na pag-uugong bago sumigaw ang kanyang ina sa takot at pinapalabas sila ng bahay.

Dinala sa ospital ang mga biktima, ngunit idineklara ang ina na si Florisel Mahinay na nasawi.

Sugatan naman ang kanyang dalawang anak na edad 2 at 12 at patuloy na nagpapagaling. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here