MANILA, Philippines – Bumagsak sa bagong record low na P61.75 kontra US dollar ang Philippine peso nitong Lunes, batay sa datos ng merkado.
Nauna na itong humina sa P61.721 bawat dolyar noong Biyernes, kasunod ng pagsasara sa P61.64 noong Huwebes.
Ang pinakabagong pagbaba ay muling nagtakda ng panibagong pinakamababang antas ng piso kontra dolyar, sa gitna ng sunud-sunod na paghina nito sa mga nakalipas na araw. Santi Celario






