Home HOME BANNER STORY Villaris kampeon sa Mixed Novice Masters

Villaris kampeon sa Mixed Novice Masters

79
0
BAGONG KAMPEON - Iginawad nina Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers' Association (MTBA) President Benny Antiporda at MTBA officer Johnny Lugay ang mga premyo sa nagwagi sa Mixed Novice Masters Division ng 58th MTBA Open Tenpin Bowling Championships sa pangunguna nina Ric Villasis (Champion), Alvin Co (1st runner up), Ed Limliman (2nd runner up), Samantha Equia (4th runner) at Elaine Hallig (5th runner).

MANILA, Philippines – Isa na namang manlalaro ang nagpakita ng talento sa bowling matapos sungkitin ang kampeonato sa katatapos na Mixed Novice Masters Division ng 58th MTBA Open Tenpin Bowling Championships na ginanap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.

Nagpakitang gilas si Ric Villasis ng TBAC-CBA upang makuha kampeonato sa Mixed Novice Masters nang umiskor ng 1,269 points sapat para maiuwi ang cash prize na P30,000 at nakaka-inggit na trophy.

Hindi naman pinakawalan ni Alvin Co ng MTBA-Valiant ang 1st runner up crown matapos umiskor ng 1,216 points para makuha ang winner cash prize na P15,000 at isang napakagandang trophy.

Ang 58 MTBA Open ay suportado ng Philippine Sports Commission, Remate Dyario ng Masa, Congressman Arjo Atayde, Lion’s Bowling Club, Viking, Vafiant Bowling Club, PDF, U&I Bowling Club, SLETBA We Are Family, CHARIS ZAIDE & JAMES TONGOL, Bowl Shower, UBL, Greenfield, Manila Tenpin Bowler’s Association, Bowlkadas, Philippines Senior Bowling Association, Robust, Friends in Bowling at JM Realty and Lending Corporation.

Sa kanyang closing speech, pinasalamatan ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers’ Association (MTBA) President Benny Antiporda ang mga lumahok sa prestihiyosong event lalong lalo na ang mga sponsors na walang sawang sumusuporta sa bawat event ng MTBA.

Nagwagi rin si Ed Limliman ng MTBA-SBP at hinirang na 2nd runner ng palaro matapos umiskor ng 1,215 para maiuwi ang premyong P8,000 cash plus trophy.

Umalagwa rin sa palaro sina Samantha Equia at Elaine Hallig na nagwagi bilang 4th at 5th runners up, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Umiskor si Eguia ng 1,193 habang si Hallig, 1,175.

Dahil nasama at top 5, nakuha ni Equia ang premyong P5,000 cash at si Hallig naman ay tumanggap ng P4,000 cash prize.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here