Home NATIONWIDE Angola, 30-araw visa-free na sa mga Pinoy

Angola, 30-araw visa-free na sa mga Pinoy

69
0

MANILA, Philippines – Pwede nang bumisita sa Angola ang mga may hawak ng Philippine passport nang hanggang 30 araw na walang visa, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ayon sa DOT, sakop na ng visa exemption ng Angola ang mga Pilipino para sa short-term tourist visits. Kinumpirma rin ito ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“For context, the Embassy of Angola in Manila informed the DFA on 6 March of the visa-free entry arrangement for Filipino tourists for short-term stay of up to 30 days,” ayon sa DFA.

Bukod sa 30-araw na pananatili kada biyahe, pinapayagan din ang kabuuang 90 araw kada taon sa visa-free entry.

Ang Angola ay isang bansa sa southwestern Africa na kilala sa mga likas na yaman tulad ng diamante, baybayin sa Atlantic, at kulturang Portuges. Kabisera nito ang Luanda. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here