Home NATIONWIDE 40 lugar tutustahin ng mala-impyernong damang-init

40 lugar tutustahin ng mala-impyernong damang-init

44
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 40 lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger” level heat index sa Miyerkules, Mayo 20, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Batay sa five-day forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa 42°C hanggang 45°C ang heat index sa ilang lugar, kung saan pinakamataas ang inaasahang 45°C sa San Ildefonso.

Kabilang naman sa mga inaasahang makararanas ng 44°C heat index ang Daet, Virac, Masbate City, Juban, at Catarman.

Marami pang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang inaasahang makararanas ng 42°C hanggang 43°C heat index kabilang ang Dagupan City, Tuguegarao City, Legazpi City, Iloilo City, Davao City, at General Santos City.

Samantala, 34 iba pang lugar ang inaasahang makararanas ng “extreme caution” heat index na nasa pagitan ng 33°C at 41°C.

Ipinaliwanag ng PAGASA na ang heat index ay ang temperaturang nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang humidity at aktuwal na temperatura ng hangin. Kapag mataas ang humidity, mas mabagal ang evaporation ng pawis kaya mas nahihirapan ang katawan na lumamig.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na limitahan ang paglabas sa matinding init, gumamit ng payong o sombrero kapag nasa labas, uminom ng maraming tubig, at iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, at soft drinks. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here