MANILA, Philippines – Mahigit 48,000 Pilipinong manggagawa ang nakakuha ng napapanahong tulong at gabay tungkol sa sahod, benepisyo, at mga isyu sa lugar ng trabaho sa pamamagitan ng Hotline 1349 ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong unang quarter ng 2026.
Ang inisyatibong ito ay sumusuporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing mas accessible, responsive, at nakatuon sa tao ang mga serbisyong pampamahalaan, partikular para sa mga manggagawang nangangailangan ng agarang tulong.
Mula Enero hanggang Marso 2026, nakatanggap ang hotline ng 46,526 na kahilingan sa tulong sa pamamagitan ng voice calls (14,505 o 31.18%), emails (23,024 o 49.49%), at Facebook direct messages (8,997 o 19.34%), na may kabuuang 48,381 tanong na sumasaklaw sa iba’t ibang usaping may kinalaman sa paggawa.
Pinakamataas ang bilang ng mga tanong ukol sa labor standards (15,647 o 62%), kasunod ang employment facilitation (7,977 o 31%), social protection and welfare (1,311 o 5%), at labor relations (422 o 2%).
Kabilang sa mga karaniwang tanong ay ang hindi pagsunod sa final pay (3,190 o 20%), holiday pay computation (1,309 o 8%), due process sa suspension o termination (1,218 o 8%), at separation pay concerns (919 o 5.9%).
Sa employment facilitation, nanguna ang mga tanong ukol sa local employment (7,321 o 92%).
Sa social protection, pinakamataas ang ukol sa non-remittance ng mandatory benefits (615 o 47%), sinundan ng maternity leave (383 o 29%).
Upang mapabuti ang serbisyo, nakipagtulungan ang DOLE sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) at Foundever para sa pagsasanay ng call center agents.
Pinuri ng ilang tumawag ang mabilis na tugon ng hotline, na nagdulot ng aksyon mula sa mga employer.
Ang patuloy na dami ng natatanggap na tanong ay nagpapakita ng lumalaking tiwala ng publiko sa DOLE.
Ang Hotline 1349 ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 6:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. Maaaring magpadala ng mga tanong sa [email protected] o sa DOLE Facebook page (fb.com/laborandemploymentph). Jocelyn Tabangcura-Domenden