Home NATIONWIDE Pagkalap ng bagong guro sa public schools, pinabibilis sa DepEd

Pagkalap ng bagong guro sa public schools, pinabibilis sa DepEd

64
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) sa pamumuno ni Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na pabilisin ang pagkalap ng bagong guro bago sumapit ang pasukan sa Hunyo.

Sa kalatas, sinabi ni Gatchalian, dating chairman ng Senate committee on basic education na inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng mahigit 32,000 teaching position sa DepEd para sa school year 2026-2027.

Ayon kay Gatchalian, dapat pabilisin ang proseso ng ‘hiring’ upang matugunan ang kakulangan ng mga guro sa buong bansa.

Matatandang ilang beses nanawagan si Gatchalian na pabilisin ang proseso ng pagkuha ng mga guro.

Sa mga talakayan ng national budget sa mga nagdaang taon, binigyang-diin ni Gatchalian na maaaring umabot ng hanggang anim na buwan ang pagkuha ng DepEd ng mga guro dahil sa pakikilahok ng iba pang ahensya tulad ng DBM at Civil Service Commission (CSC) sa proseso.

Noong 2024, inilabas ng DepEd ang DepEd Order No. 021 series of 2024 upang mas mapabilis ang pagpuno sa mga bakanteng posisyon.

Sa ilalim ng 2026 national budget, P42.4 bilyon ang inilaan para sa pagkuha ng 32,916 teaching positions, 32,047 dito ay para sa mga Teacher I item.

“Mahalagang matiyak natin na magkaroon tayo ng sapat na guro sa ating mga paaralan, lalo na’t sila ang may pinakamahalagang papel. Kung mananatiling kulang ang ating mga guro, ang ating mga mag-aaral ang lubos na maapektuhan,” ani Gatchalian. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here