Home METRO 6 indibidwal huli sa ‘Oplan Galugad’ sa Valenzuela City

6 indibidwal huli sa ‘Oplan Galugad’ sa Valenzuela City

50
0

MANILA, Philippines – ANIM na indibidwal kabilang ang tatlong drug suspects ang arestado matapos mahuli sa aktong naglalaro ng iligal na sugal sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nag ugat base sa isinagawang Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ng mga tauhan ng Police Sub-Station 3 ng Valenzuela-PNP sa Libra St., Batimana Compound, Brgy., Marulas nang maaktuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ alas-7:25 ng gabi.

Nakumpiska sa dalawang inaresto ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasamsam kay alyas “Edmar”, 39.

Nauna rito, natimbog ng mga tauhan ng Police Sub-Station 1 ang dalawa ring lalaki habang nagsusugal naman umano ng ‘lucky 9’ sa tabi ng isang covert court sa Jasmin St., Brgy., Paso De Blas dakong alas-3:40 ng hapon.

Nakuha sa kanila ang perang taya, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakumpiska umano kay alyas “Randy”, 35, helper.

Pasado alas-11:30 naman ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 7 ang dalawang kelot habang nagsusugal din umano ng ‘cara y cruz’ sa Northville 1, Casarival, Brgy., Bignay.

Nasamsam sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet umano’y shabu na nakumpiska kay alyas “Jerome,” 31.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) habang karagdagan pa na kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin ng tatlong nakuhanan ng droga. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here