Home OPINION IMPEACHMENT MAPANLINLANG

IMPEACHMENT MAPANLINLANG

69
0

PARA kanino ba talaga ang impeachment?

Para ba talaga sa taumbayan o sa iba na may pansariling interes na kaiba o taliwas sa interes ng taumbayan?

Nagtatanong ang pitak na ito, mga Bro, dahil sa kasaysayan ng ilang kasong impeachment na kung saan hinusgahan na guilty ang mga isinakdal ngunit sa kalaunan ay napatunayan sa mga hukuman na hindi pala sila nagkasala.

Para malinaw, idineklarang guilty sa lihim o nakaw na yaman si namayapa nang Chief Justice Renato Corona noong May 29, 2012.

Pagdating ng kasong pagbawi ng kanyang lihim o nakaw na yaman, dinismis ito noong Nobyembre 2022 ng Sandiganbayan sa pagsasabing hindi nakaw na yaman ng mga Corona ang P130 milyon kundi pinaghirapan nila ang mga ito at naging pinal ang desisyon noong Enero 30, 2023..

Sa huli, sinabi mismo ng Sandiganbayan at Supreme Court na gamit ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa transparency ngunit hindi kailanman para sa political vendetta o paninira ng mga politiko laban sa kanilang mga karibal.

Noon namang Enero 20, 2001, kinambalan ng sabi’y people power ang walkout ng 10 senador-hukom at 11 prosecutor ang hindi pagbubukas ng envelope na sa paratang ng mga prosecutor ay naglalaman ng Jose Velarde, umano’y alias ni Erap, account sa noo’y impeachment laban sa kanya.

Sa Sandiganbayan, napatunayang si Jose Dichavez ang tunay na may-ari ng account at hindi kasabwat ni Erap sa pandarambong sa halagang P190M “kikbak” mula sa investment ng SSS at GSIS sa Belle Corporation habang inabswelto si Erap sa P200M diversion sa buwis sa tabako.

Sabi ni Rene Saguisag na abogado ni Erap sa Sandiganbayan Special Division, “It’s ruling class justice. The special division was programmed to convict. We never had a chance.”

Mula sa mga kasong impeachment na ito, nakadududa na ang mga kasong impeachment, kasama ang kay Vice President Sara Duterte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here