Home OPINION INGAT SA HANTAVIRUS AT EBOLA VIRUS

INGAT SA HANTAVIRUS AT EBOLA VIRUS

89
0

HABANG hindi magkandaugaga ang mga politiko sa Pinas sa agawan sa kapangyarihan sa iba’t ibang paraan, kasama ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, nagkakamatayan naman ang tao sa Hantavirus at Ebola Virus.

ANG HANTAVIRUS

May inatake ng Hantavirus na cruise ship, ang MV Hondius, na nakaangkla ngayon sa Cape Verde, isang islang bansa sa kanlurang bahagi ng Senegal sa West Africa.

May 38 Filipino crew sa nasabing barko at kasama nila ang ibang 61 crew at 88 pasahero na hindi pinabababa bukod ang ilang natamaan ng nasabing virus.

May tatlo nang namatay: Mag-asawang taga-Netherlands at isang German.

Kritikal naman ang ilan kaya inilipad sila sa isang ospital sa South Africa.

Wala pa namang ulat kung may naimpeksyon o nahawaan nang Pinoy.

Gayunman, dahil iisang barko ang kinalalagyan nila at kumakalat ang virus sa dumi at ihi, hindi imposibleng may mahawang Pinoy roon.

Nagmumula ang Hantavirus sa ihi at dumi ng daga.

Kabilang sa mga sintomas ang katulad ng mga may leptospirosis at dengue na parehong nakamamatay.

Kaya, pag-uwi ng mga Pinoy sa Pinas, dapat istriktong isailalim sila sa mahigpit na tsekap at pagbabantay.

Tandaan na wala pang masasabing bakuna o gamot laban sa hantavirus.

ANG EBOLA VIRUS; 50 PATAY SA BAWAT 100 BIKTIMA.

Sa report ng World Health Organization, may 130 nang patay sa nasa 500 na tinamaan ng Ebola Virus Democratice Republic of Congo at ilan sa Uganda.

Kasama sa mga tinatamaan maging ang mga doktor, nars at iba pang health workers na nag-aasikaso sa mga biktima.

Parang Covid-19 noon na maraming doktor, nars at iba pa ang namamatay.

Nagbabala na si World Health Organization Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na napakabilis kumalat ang virus na ito na wala pang bakuna o gamot.

Bundibugyo ang uri ng virus ng Ebola na tumatama ngayon.

Ang nakababahala, aabot sa umano sa 50 porsyento ang namamatay sa bawat 100 biktima.

Matindi ito at nagaganap ang kamatayan sa loob ng 10 araw.

Palatandaan ng Ebola Virus, lalo ang mataas na lagnat, panghinina at pananakit ng mga masel.

Kapat umabot na ang pasyente sa pagsusuka, pagtatae at pagdurugo sa loob at labas ng katawan, magdasal-dasal na ang tinamaan para maiwasan niyang makipagkita kay Lord…kung ayaw pa niya ang ganoong sitwasyon.

MGA PINOY NA MAGSISIUWIAN AT TURISTA

May nasa 140 Pinoy sa Democratic Republic of the Congo at nasa 600 naman sa Uganda.

Kung magkatakutan sa Ebola Virus, posibleng may uuwi sa Pinas na mga Pinoy.

May mga posibleng turista at magawi rin sa Pinas.

Hindi man nating sabihin, tiyak na nagbabantay na, partikular ang Department of Health, laban sa anomang pagpasok ng Ebola Virus sa Pinas.

Kailangang tumulong ang lahat sa pagbabantay lalo’t napakamaraming pasukan sa Pinas mula Mindanao hanggang Luzon.

Posibleng may manggaling mula eroplano o kaya’y barko, gaya ng cruise ship na may Hantavirus.

Lahat dapat mabilis na mag-ulat sa mga kinauukulan kung may umuuwi mula sa tinamaan ng Hantavirus at Ebola Virus upang maagapan ang mga nakamamatay na virus na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here