MANILA, Philippines – Pinangunahan ni MMDA General Manager Nicholas Torre III ang paglagda sa Pledge of Commitment sa ikalawang bahagi ng soft launch ng “Yes to Ayos,” isang kampanya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naglalayong isulong ang disiplina, responsibilidad sa komunidad, at wastong asal sa publiko.
Ang programa ay isinagawa bilang bahagi ng direktiba ni Ferdinand Marcos Jr. para sa mas maayos na lipunan at komunidad.
Tampok din sa aktibidad ang Eco-TINGIndahan ni Lola Daisy Plina, katuwang ang Mother Earth Foundation at EcoWaste Coalition, na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagtatayo ng sustainable communities. DANNY QUERUBIN







