MANILA, Philippines – Nakatakdang bisitahin ng binuong ‘Special Panel of Prosecutors’ ng Department of Justice (DOJ) ang Senado upang pisikal na inspeksyunin ang lugar kung saan naganap ang insidente ng putukan noong May 13, 2026.
Una nang sinabi ng DOJ na ang naiwang grupo ang siyang tututok at mag-Iimbestigahan sa pangyayari.
Ibinahagi pa ng kalihim ang pagkakatanggap sa ‘report’ ng National Bureau of Investigation, at Government Service Insurance System (GSIS).
Habang humiling naman ng karagdagang panahon ang Philippine National Police sa pagsusumite ng ulat dahil sa patuloy pang pagkolekta ng mga dokumento.
Samantala, sinabi rin ni Vida na kanila nang hiniling sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga CCTV footages’ nang mangyari ang insidente.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, partikular na kanilang hiniling ay mga kopya lalo na noong ika-14 ng Mayo, kasunod nang umalis si Sen. Bato sa Senado ng alas-dos ng madaling araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden