Home NATIONWIDE 2 Pulis tanggal sa panghihimasok sa sabungeros case

2 Pulis tanggal sa panghihimasok sa sabungeros case

85
0

MANILA, Philippines – Tinanggal sa kani-kanilang pwesto ang dalawang pulis matapos umanong manghimasok sa kaso ng mga nawawalang sabungero o cockfighting aficionados.

Ang mga natanggal na opisyal ay isang police lieutenant at isang police major na inakusahang nagsilbing tagapamagitan sa mga complainant at sa mga pulis na may kaugnayan sa kaso at kasalukuyang nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Batay sa special order ng Highway Patrol Group (HPG) at incident report ng Headquarters Support Service, inalis sila sa pwesto noong Mayo 20.

Nagsampa rin ng administrative case ang mga complainant sa National Police Commission (Napolcom) laban sa dalawang opisyal.

Kinilala ang mga ito bilang HPG spokesperson Lt. Nadame Malang at PNP Custodial Center chief Maj. Reynaldo Pañebe Jr.

Ayon sa reklamo, nakipag-ugnayan umano ang ilang partido sa kampo ni gambling tycoon Atong Ang upang hikayatin ang mga complainant na makipag-usap sa mga nakakulong na pulis.

Nauna ring lumutang sa ulat na ilang complainant sa kaso ay umatras matapos umanong makatanggap ng ₱40,000 buwanang bayad.

Si Ang ay nahaharap sa mga kasong kidnapping kaugnay ng umano’y pagkawala at pagpatay sa hindi bababa sa 34 sabungero mula 2021 hanggang 2022. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here