Home METRO 55-anyos babae, inatake sa puso habang naghihintay ng ayuda sa QC Hall

55-anyos babae, inatake sa puso habang naghihintay ng ayuda sa QC Hall

59
0

MANILA, Philippines – Isang 55-anyos na babae ang namatay dahil sa atake sa puso habang naghihintay para kumuha ng cash assistance sa Quezon City Hall, ayon sa kinumpirma ng tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development na si Irene Dumlao.

Batay sa ulat nitong Huwebes, sinabi ng Quezon City Police District na nangyari ang insidente noong Martes ng umaga.

Ayon kay Dumlao, nakipag-ugnayan na ang DSWD sa pamilya ng biktima at nagbigay ng tulong, kabilang ang burial assistance.

Dagdag pa sa ulat, hindi ito ang unang insidente, dahil mahigit isang buwan na ang nakalipas ay mayroon ding motorcycle taxi rider na namatay habang nakapila para sa cash assistance sa Quezon City. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here