CEBU, Philippines – Natagpuang patay ang dalawang 7-anyos na batang lalaki sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa Naga City, Cebu noong Miyerkules, Mayo 20, matapos silang maulat na nawawala noong Mayo 17.
Ayon sa ulat, natagpuan ang mga bata sa isang sasakyan sa Purok Yosom, Sitio Bantayan, Barangay Tuyan.
Ayon sa City of Naga Police, walang nakikitang foul play sa pagkamatay ng dalawang bata.
Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Dexter Calacar, hepe ng Naga City Police Station, na mismong mga magulang ng mga bata ang nag-ulat sa pagkawala ng mga ito.
Batay sa CCTV footage, lumalabas na naglalaro ang dalawang bata at napunta sa parking area kung saan naroon ang sasakyan. Posibleng pumasok sila sa loob ng sasakyan at hindi na nakalabas, ayon sa pulisya.
Dagdag pa ng imbestigasyon, matagal nang nakaparada ang sasakyan sa lugar dahil pumanaw na ang may-ari nito. RNT/MND