Home NATIONWIDE Asistio, sinampahan ng reklamo sa Ombudsman dahil sa P79.2M ghost flood control...

Asistio, sinampahan ng reklamo sa Ombudsman dahil sa P79.2M ghost flood control projects

79
0

MANILA, Philippines – Nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman si dating Caloocan Mayor Rey Malonzo laban kay Caloocan Third District Rep. Dean Asistio kaugnay ng umano’y “ghost” at anomalous flood control projects na nagkakahalaga ng ₱79.2 milyon.

Isinampa ang kaso nitong Huwebes at kinabibilangan ng mga paratang na graft, malversation, at falsification of public documents.

Ayon sa reklamo, may mga proyekto umanong hindi naipatupad o walang aktuwal na konstruksiyon kahit napondohan ng gobyerno.

Patuloy namang kinakalap ang panig ng kampo ni Asistio at ihahayag ito sa oras na makuha ang kanilang pahayag. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here