Home HOME BANNER STORY Tag-ulan posibleng magsimula sa huling linggo ng Mayo — PAGASA

Tag-ulan posibleng magsimula sa huling linggo ng Mayo — PAGASA

80
0

MANILA, Philippines – Posibleng magsimula ang tag-ulan sa bansa sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni PAGASA weather specialist Charmagne Varilla na batay sa forecast models ng ahensya, posibleng magsimula ang rainy season sa mga susunod na linggo.

“Base sa pinapakita ng mga model, posible na po ng mga last of May or first week of June [yung simula ng rainy season],” ani Varilla sa panayam ng GMA News Online.

Noong nakaraang taon, idineklara ang pagsisimula ng tag-ulan noong Hunyo 2.

Ipinaliwanag ni Varilla na sinusukat ng PAGASA ang dami ng ulan at direksyon ng hangin bago ideklara ang simula ng wet season.

“Dapat meron tayong mga stations na naka-record po ng more than 25 millimeters na rainfall, consecutive ‘yan, for the next five days, tapos ‘yung direction ng hangin natin dapat southwestward,” saad niya.

“So far, yun yung mga initial na tinitingnan natin, and for the meantime kasi, easterlies pa rin ang nagpe-prevail sa system natin, so hindi pa southwestward ang hangin natin, kaya wala pa tayong na-de-declare,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi naman ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na nasa transition period na ang bansa mula tag-init patungong tag-ulan.

“So patungo na po tayo sa wet season, at ito na nga po yung senyalis, yung mas madalas na mga thunderstorms, lalo na po sa dakong hapon hanggang gabi,” ani Estareja.

Ayon pa sa kanya, makararanas ang Luzon ng mainit na panahon sa umaga at pag-ulan pagsapit ng hapon.

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng pagbaha at landslide dulot ng mga thunderstorm sa iba’t ibang lugar sa bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here