MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major lotto jackpot draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Mayo 21, 2026.
Ayon sa PCSO, walang nakakuha ng tamang kumbinasyon para sa Superlotto 6/49 na may jackpot prize na P25 milyon. Ang winning numbers ay 09-28-21-02-37-23.
Wala rin umanong nanalo sa Lotto 6/42 na may jackpot na P20,654,909.15 matapos walang makatama sa kombinasyong 33-08-05-17-18-41. RNT