Home METRO Empleyado ng Isabela City Hall, tinadtad ng bala

Empleyado ng Isabela City Hall, tinadtad ng bala

52
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang empleyado ng Isabela City Hall matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin noong Miyerkoles ng umaga, ayon sa pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon, si Carliecel Nuena, isang utility worker sa ilalim ng City General Services Office, ay papasok na sana sa trabaho nang tambangan sa liblib na bahagi ng Barangay Sunrise.

Tinamaan siya ng bala sa ulo at dibdib na ikinamatay niya. Dalawang basyo ng .45 caliber pistol ang narekober sa lugar.

Napag-alamang kamag-anak siya ng isa pang empleyado ng City Hall na pinaslang din sa hiwalay na insidente noong nakaraang linggo.

Sa naunang kaso, si Karen Resurreccion ay sakay ng motorsiklo kasama ang kaniyang asawa nang sundan sila ng dalawang lalaki na nakasakay sa gray na motorsiklo. Binaril sila sa liblib na bahagi ng Barangay Lanote gamit ang 9mm pistol. Namatay si Resurreccion habang ginagamot sa ospital.

Ayon sa pulisya, may isa pang kamag-anak ng mga biktima na pinaslang din nitong buwan.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin. Kinondena naman ng lokal na pamahalaan ang sunud-sunod na pamamaslang sa mga babaeng empleyado ng city hall. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here