Home ENTERTAINMENT Netizens, pinuri ang kasimplihan ni Queenie sa ukay-ukay!

Netizens, pinuri ang kasimplihan ni Queenie sa ukay-ukay!

64
0

Manila, Philippines – Kinaaliwan ng mga netizens ang video ng pagsa-shopping ni Queenie–anak nina Manny at Jinkee Pacquiao–sa isang ukay-ukay store.

Nitong nakaraan lang, ipinasilip ni Edgar Polinar ang pagbisita ni Queenie sa bilihan ng mga ukay-ukay items.

Si Edgar ay staff ng pamilya Pacquiao na content creator din.

Makikita sa video na tumitingin ng mga secondhand at pre-loved items sa mga racks si Queenie.

Biniro siya ni Edgar na bilhin nang lahat ang mga naroon, to which ang sagot ni Queenie ay: “Ha?”

Aniya, may nakita na daw siyang bag na nagustuhan: “Cute pero mahal.”

Mura lang daw ang mga ukay-ukay items, giit ni Edgar.

Hanggang binanggit ni Queenie ang presyo ng nakursunadang bag– P600: “Ang mahal!”

Ikinaaliw ‘yon ng mga netizens.

Sa bandang hull’y makikita si Queenie na may hawak na basket na punumpuno ng mga pinamili.

Hinangaan si Queenie dahil sa kasimplehan nito, naturingang anak-mayaman.

At least, hindi “nepo baby”! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here