Home NATIONWIDE Bato mas mainam na boluntaryong sumuko na lang – DOJ

Bato mas mainam na boluntaryong sumuko na lang – DOJ

36
0

MANILA, Philippines – Mas mainam umano na sumuko na lamang si Department of Justice (DOJ) Senator Bato Dela Rosa dahil ito ay makakatulong sa pagpapatupad ng batas at pagtiyak na maipapatupad ang hustisya.

Iginiit ng DOJ na ang pamahalaan ay iginagalang ang mga karapatan ng senador, na kinikilala rin ng International Criminal Court (ICC).

Nitong Huwebes sa isang press conference, inanunsyo ni Justice Secretary Fredderick Vida na inatasan na ng DOJ ang National Bureau of nvestigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na arestuhin si Dela Rosa sakaling siya ay matagpuan.

Hinikayat din ng mga senador na sina Risa Hontiveros at Erwin Tulo na sumuko na lamang si Dela Rosa at igalang ang batas.

Una nang sinabi ng DOJ na posibleng managot ang sinumang magkakanlong kay Dela Rosa, hindi lamang sa ilalim ng batas ng Pilipinas kundi maging sa mga umiiral na patakaran ng ICC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here