Makalipas ang 33 taon mula nang maitatag ang City of Malabon University, Opisyal nang nakamit ng CMU ang Institutional Recognition (IR) mula sa Commission on Higher Education (CHED) matapos ang
mahabang proseso ng pag-aayos, pag-comply, at pagtutulungan upang maabot ang mga itinakdang pamantayan.Ito ay sinaksihan nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, University President Dr. Glen DV. De Leon, City Administrator Alexander Rosete, Director IV, Commission on Higher Education Dr. Lora Yusi, Chairman, Philippine Red Cross Malabon City Chapter Ricky Sandoval, Councilor Nadja Vicencio at iba pang opisyal. JOJO RABULAN